^

Probinsiya

Serial killer, 2 pa timbog sa checkpoint

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KABACAN, NORTH COTABATO, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang tatlo katao kabilang ang isang pinaniniwalaang “hired killer” sa inilatag na check point sa Brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Nanguna sa pagresponde si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kasama ang hepe ng Kabacan PNP na si PSI Ronnie Cordero sanhi ng pagkakahuli ng mga suspek na sina Badjuri Dimanalaw Pigkawalan, 25; Mahajar Dadilan alon, 32  at Totin Abas Kalanto­ngan pawang sa bayan ng Kabacan.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang granada, isang kalibre .38 na revolver at dalawang sachet ng shabu.

Lulan ang mga suspek ng tricycle na may body number 0554, kung saan naka-impound naman ang kanilang sasakyan sa Kabacan MPS. Sila ang  itinuturong responsable sa mga nagdaang shooting incident at carnapping sa bayan. Sangkot din umano sila sa mga pamamaril, illegal na droga, carnapping at gun-for-hire na may aktibidad sa bayan ng Kabacan.

Si Alon ay dati nang naaresto noong si Supt. Jordine Maribojo ang hepe ng pulisya dahil sa iba’t ibang mga krimen na kinasasangkutan nito.

Napag-alaman na isa sa mga suspek ay itinuturong responsible rin sa pagpatay sa dating miyembro ng Kabacan PNP.

vuukle comment

ANG

BADJURI DIMANALAW PIGKAWALAN

COTABATO (NORTH)

JORDINE MARIBOJO

KABACAN

KABACAN MAYOR HERLO GUZMAN JR.

MAHAJAR DADILAN

MGA

NORTH COTABATO

RONNIE CORDERO

SI ALON

SOCCSKSARGEN

TOTIN ABAS KALANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with