^

Probinsiya

Trader binistay ng bala sa harap ng kustomer

Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Binaril at pinatay ng isang ‘di kilalang salarin ang isang 47-anyos na negosyanteng lalaki habang nakikipag-usap sa kustumer ng kanyang tindahan sa loob ng Zaragoza Public Market, Barangay San Isidro ng nasabing bayan noong Huwebes ng hapon.

Namatay noon din ang biktima na si Melchor Concepcion, 47, may-asawa, tubong Sta. Monica, Concepcion, Tarlac, ng Barangay Concepcion, Zaragoza bunga ng tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon,   bandang alas-4:20 ng hapon habang kausap ng biktima ang kostumer nitong si Barbie Belmonte, 22, kasama ang 4-anyos na anak na si David nang may isang motorsiklong huminto sa harap ng tindahan.

Agad na bumaba sa motorsiklo ang ilang beses na pinaputukan ng baril ang biktima na tinamaan sa kanyang ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Dinala sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang 4-anyos na batang lalaki matapos na masugatan ang tuhod nito habang ikinokober ng kanyang ina mula sa rapido ng bala ng salarin. (Christian Ryan Sta. Ana)

 

vuukle comment

ANG

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY SAN ISIDRO

BARBIE BELMONTE

BINARIL

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

CONCEPCION

MELCHOR CONCEPCION

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

ZARAGOZA PUBLIC MARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with