^

Probinsiya

Koreano nag-suicide sa resort

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depresyon ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang 46-anyos na Koreano matapos nitong i-suffocate ang sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa beach resort sa Barangay Poblacion, bayan ng Dalaguete, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Sung Hwi Kang base sa narekober na identification card sa mga gamit nito. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente sa Room 12 ng Ocean Bay Resort sa Sitio Guiwanon bandang alas-7:30 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, nag-suicide ang biktima matapos nitong i-suffocate ang sarili sa sinunog na uling at isara ng packing tape ang lahat ng lagusan ng hangin sa tinutuluyan nitong kuwarto. Nadiskubre ang insidente matapos na mabigong lumabas ang biktima sa oras ng check-out kaya napilitan ang mga staff na buksan ang pintuan gamit ang master key.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

CEBU

DALAGUETE

KINILALA

KOREANO

OCEAN BAY RESORT

SITIO GUIWANON

SUNG HWI KANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with