Nene nabaril ng ate, kritikal
(The Philippine Star) - April 4, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang isang 3-anyos na batang babae makaraang aksidente itong mabaril ng 10-anyos nitong ate habang naglalaro ang dalawang bata sa tahanan ng kanilang lola sa Brgy. Salvacion, Sto. Domingo, Albay kamakalawa.

Ang biktimang itinago sa pangalang Princess ay patuloy na isinasalba ang buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital at ang suspek ay itinago naman sa pa­ngalang Anna. Ang magkapatid ay pawang residente sa lugar. Sa ulat ng Albay Police, dakong alas-11 ng umaga habang masayang naglalaro ang magkapatid sa bahay ng kanilang lola nang mapagkamalang laruan ni Anna ang homemade shotgun na kanilang nakita.Isang putok ang umalingawngaw na tumama sa tiyan ng biktima na mabilis  na isinugod sa pagamutan. Iniimbestigahan pa ang kaso. (Ed Casulla)

ACIRC AGAW ALBAY ALBAY POLICE ANG BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL BRGY DOMINGO ED CASULLA INIIMBESTIGAHAN ISANG
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with