^

Probinsiya

Holdaper patay sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang bagitong holdaper na nanloob sa tindahan ng ukay-ukay matapos itong makipagbarilan sa pulisya kamakalawa ng hapon sa Dasmariñas City, Cavite. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng holdaper na napatay sa loob ng tindahan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Zone 4 sa nabanggit na lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Pinasok ng gunman ang tindahan saka tinutukan ng baril ang nangangasiwa saka nilimas ang pera kung saan nagkagulo naman ang mga namimili. Namataan naman ng mga pulis ang holdaper na papatakas kaya tinangkang sitahin subalit nanlaban ito kaya napatay. Narekober naman ng pulisya ang ginamit na cal. 38 revolver at ilang basyo ng bala.

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

BULAGTA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

DASMARI

IMUS CITY

KASALUKUYANG

NAMATAAN

NAREKOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with