^

Probinsiya

Hospital hinoldap: P1-M limas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ang natangay matapos holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang isang hospital sa Barangay Sanito, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, ang mga suspek ay nagpanggap na pasyente sa provincial hospital nang pumasok at dalawa naman sa mga ito ang nagsilbing lookout sa labas.

Gayon pa man, agad na tinungo ng mga holdaper ang kahera na si Marieta Jangad kung saan tinutukan ito ng cal. 45 pistol saka nagdeklara ng holdap.

Nabatid na kasalukuyang  nagpapasuweldo ang kahera sa mga kawani ng ospital nang biglang sumulpot ang mga holdaper kung saan walang nagawa ang kahera kundi ibigay ang pera na laman ng safety vault.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago mabilis na nagsitakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo tangay ang malaking halaga. Joy Cantos

 

vuukle comment

BARANGAY SANITO

BIYERNES

CAMP CRAME

GAYON

JOY CANTOS

MARIETA JANGAD

NABATID

TUMAGAL

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with