^

Probinsiya

Misis pisak sa killer bus

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na misis habang kritikal naman ang kanyang mister makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad Highway sa Barangay Sampaloc, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng umaga.

Nadurog ang bungo at nagulungan pa ang katawan ng biktimang si Apolonia Pelayo habang kritikal namang naisugod sa ospital ang mister nitong si Rogelio Pelayo, 54, kapwa nakatira sa Barangay Mandili, bayan ng Candaba, Pampanga.

Pormal na kakasuhan ang sumukong driver ng Five Star Transit ang suspek na si Rolly De Leon, 38, ng Papaya sa Nueva Ecija.

Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa nang salpukin ng nasabing bus na may plakang UYD-635 ang dalawa dakong alas-10:30 ng umaga pagsapit sa Barangay Sampaloc.

Nawalan ng control sa manibela ang drayber ng motorsiklo na si Rogelio kung saan sumemplang sa highway at nagulungan pa ang mga biktima.

vuukle comment

APOLONIA PELAYO

BARANGAY MANDILI

BARANGAY SAMPALOC

FIVE STAR TRANSIT

NUEVA ECIJA

REMEDIOS TRINIDAD HIGHWAY

ROGELIO PELAYO

ROLLY DE LEON

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with