^

Probinsiya

Van sumalpok sa minibus, 2 utas, 8 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang pasahero ng passenger van ang nasawi habang walo pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan ng mga itong behikulo sa sinusundang mini bus sa bahagi ng pakurbadang highway ng Barangay Quetagan, Mangatarem, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dennis Espejo at Angelia Montes; kapwa hindi na umabot ng buhay sa pagamutan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

Sa ulat na nakarating kay Chief Inspector Rex Infante, hepe ng Mangatarem Police, kasalukuyang lulan ang mga biktima ng pampasaherong van na minamaneho ni Gatpatan.

Ayon sa imbestigasyon hindi napansin ng driver ng van ang sinusundang mini bus  na tuluy-tuloy nitong sinalpok sa pakurbadang bahagi ng highway. Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide ang driver ng van.

vuukle comment

ANGELIA MONTES

AYON

BARANGAY QUETAGAN

CHIEF INSPECTOR REX INFANTE

DALAWANG

DENNIS ESPEJO

GATPATAN

KINILALA

MANGATAREM

MANGATAREM POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with