^

Probinsiya

Elementary teacher, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 34-anyos na pampublikong guro makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Purok Doña Iming, Barangay Sanito sa bayan ng Ipil, Zamboanga del Sur kamakalawa. Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Roderic Ernie Menez, guro sa Magdaup Elementary School at nakatira sa Purok Mirasol, Barangay Poblacion. Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, huling namataang buhay ang biktima na lulan ng traysikel, kasama ang dalawang di-kilalang lalaki patungo sa Barangay Sanito kung saan pagsapit sa may gilingan ay naglakad na patungo sa palaisdaan. Gayon pa man, nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente at nang usisain ang pinanggalingan ng putok ay bumulaga ang duguang biktima.

vuukle comment

APAT

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SANITO

CAMP CRAME

GAYON

MAGDAUP ELEMENTARY SCHOOL

PUROK DO

PUROK MIRASOL

RODERIC ERNIE MENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with