^

Probinsiya

Dalagang mentally retarded, dinedo ng tiyo Ginawang parausan, binuntis pa…

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng isang 28 anyos na dalagang may diperensya sa pag-iisip na matapos ga­wing parausan, mabuntis ay pinaslang pa sa saksak sa huling pagkakataong halayin ito ng sariling tiyuhin kamakalawa ng gabi sa isang liblib na lugar sa Sta Fe, Leyte.

Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office, kinilala ang nasawing biktima na si Annalyn Tercenio, residente ng Brgy. Gapas, Sta Fe ng lalawigang ito. Ang krimen ay naganap dakong alas-6 ng gabi nitong Huwebes sa lugar.

Ang biktima na natuklasang buntis na tinatayang nasa 4-5 buwan ang sanggol sa sinapupunan ay dead-on-the-spot sa tinamong malalalim na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Cyril Tiu, may hawak ng kaso, natukoy naman ang suspek na tumakas matapos ang malagim na krimen na si Pablo Agotic alyas Boboy na tinutugis na ng pulisya.

Ayon kay Tiu, napag-alaman na matagal ng hinahalay ng suspek ang dalaga hanggang sa mabuntis ito.

Napilitan naman ang biktima na ipagtapat sa kaniyang tiyahin ang kawalanghiyaan ng suspek pero nagdadalawang isip pa itong gumawa ng aksyon.

Samantalang ng malaman naman ng suspek na nagsumbong na ang biktima ay sinamantala nito na nag-iisa  ito kung saan ay  puwersahang itong pinasok sa silid, ginahasa at saka brutal na pinaslang.

vuukle comment

ANNALYN TERCENIO

AYON

BOBOY

BRGY

CYRIL TIU

HUWEBES

LEYTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

PABLO AGOTIC

STA FE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with