^

Probinsiya

3 Sayyaf tumba sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang anim pa ang nasu­gatan makaraang makasagupa  ng tropa ng militar sa magkakahiwalay na bakbakan sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa. Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP Public Affairs Office, nakasagupa ng Army’s 104th Brigade ang grupong Abu Sayyaf sa ilalim nina Commander Juhaible “Abu Kik” Alamsirul sa Brgy. Pamantsaken, bayan ng Sumi­sip kung saan napatay si Yusof Sandatan. Bandang ala-1:38 ng hapon habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo nang muling makasagupa ang grupo naman nina Radzmil “Khubayb” Janatul at Juhaibel Alamsirul sa Sitio Crossing Baiwas, Brgy. Baiwas. Tatlong bandido ang napatay habang lima pang karagdagan ang nasugatan. Narekober naman ang bomba na itinanim ng mga bandido sa lumang gusali sa Brgy. Baiwas na agad namang nai-detonate.

vuukle comment

ABU KIK

ABU SAYYAF

BAIWAS

BRGY

COMMANDER JUHAIBLE

HAROLD CABUNOC

JUHAIBEL ALAMSIRUL

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SITIO CROSSING BAIWAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with