^

Probinsiya

Jailguard nabaril ang sarili, dedo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang 42-anyos na miyembro ng Bureau of Jail Management and Peno­logy matapos pumutok ang baril na kanyang nililinis sa kanilang bahay sa Purok Acacia, Barangay Nursery sa Masbate City, Masbate kahapon ng madaling araw.

Hindi na naisalba sa Masbate Provincial Hospital ang buhay ni SJO1 Ferdinand Fuentes na nakatalaga sa bayan ng San Jacinto, Masbate.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, maagang magising ang mag-asawang Fuentes para sa kani-kanilang trabaho kung saan naunang  lumabas ng kuwarto ang misis para maghanda ng almusal.

Gayon pa man, biglang umalingawngaw ang mala­kas na putok ng baril na nagmula sa kuwarto ng mag-asawang Fuentes.

Kaagad na inusisa ng misis ang kanilang kuwarto kung saan bumulaga sa kanya ang duguang biktimang nakahandusay sa sahig.

Nabatid na bago lumabas ng kuwarto ang misis ay namataan nito na naglilinis ng baril ang kanyang mister  kung san pinanini­walaang pumutok at tumama sa ulo ng biktima.

Isinailalim naman sa paraffin test examination ang misis upang mabatid na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY NURSERY

FERDINAND FUENTES

FUENTES

MASBATE

MASBATE CITY

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

PUROK ACACIA

SAN JACINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with