^

Probinsiya

Eroplano nag-overshot sa runway

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagyang namayani ang tensiyon lokal na paliparan makaraang mag-overshot ang isang eroplano ng AirAsia Zest plane sa runway ng Kalibo Airport sa Aklan noong Martes ng hapon.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Christopher Laxa, director ng PNP Aviation Security Group, naganap ang insidente dakong alas-5:43 ng hapon.

Kasalukuyang pa-landing ang Air Asia aircraft (Z2-272 ) na pinalilipad ng mga pilotong sina Captain Achilles Narajos at Antonio Miguel Halaguena, first officer kasama ang anim na crew ng eroplano na may lulang 153-pasahero nang mag-overshot sa Runway 23 ng nasabing paliparan.

Ang nasabing eroplano ay mula sa Maynila at karamihan sa mga pasahero ay mga dayuhan kabilang ang mga magbabakasyon sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Wala namang naiulat na napahamak sa insidente at ligtas namang nakababa ang mga pasahero at crew ng eroplano na Airbuus A320-216 (RP-C8972)

Samantala, bunga ng insidente ay naapektuhan ang biyahe ng dalawa pang eroplano ng Tiger Air kabilang ang DG 7058 na mula Maynila patungong Kalibo at DG7059 mula naman Kalibo patungong Maynila.

vuukle comment

AIR ASIA

AKLAN

ANTONIO MIGUEL HALAGUENA

AVIATION SECURITY GROUP

BORACAY ISLAND

CAPTAIN ACHILLES NARAJOS

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER LAXA

KALIBO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with