^

Probinsiya

2 holdaper utas sa shootout

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang notoryus na holdaper na isinasangkot sa serye ng holdapan ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Rizal-San Jose Road sa Barangay Villa Joson, San Jose City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawang napatay na sina Mark M. Popera, tubong Cagayan de Oro City; at Jimboy Alay-Ay, tubong Siquijor Province at kap­wa nakatira sa Barangay Cabucbucan, bayan ng Rizal, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hinarang ang delivery truck at hinoldap nina Popera at Jimboy ang dalawang kawani ng pribadong korporasyon na sina Danilo Bejica at Melfer Nening na kapwa nakatira  sa Barangay Caridad Norte, bayan ng Llanera, Nueva Ecija.

Naipaabot naman sa pulisya ang naganap na insidente kaya inilatag ang checkpoint kung saan naispatan naman ang dalawa na lulan ng motorsiklo.

Imbes na huminto sa checkpoint ay nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kaya napatay ang dalawang holdaper.

Narekober ang dalawang baril, mga bala ng baril at mga personal na gamit habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

BARANGAY CABUCBUCAN

BARANGAY CARIDAD NORTE

BARANGAY VILLA JOSON

DANILO BEJICA

JIMBOY ALAY-AY

MARK M

MELFER NENING

NUEVA ECIJA

ORO CITY

POPERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with