^

Probinsiya

Akyat-bahay itinumba ng kabaro

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 42-anyos na miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa madamong bahagi ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolando “Bulag” Fulgado ng Barangay Bagong Silang sa Caloocan City.

Ayon kay PO3 Edward Israel, natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi kung saan may mga tama ng bala ng cal. 45 pistol at shotgun.

Sa tala ng pulisya, ang biktima ay isinasangkot sa serye ng nakawan sa nabanggit na bayan  kung saan pinaniniwalaang onsehan sa partihan ng nakulimbat na mga kagamitan ang isa sa motibo kaya pinatay ito ng kanyang mga kabaro. 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

AYON

BARANGAY BAGONG SILANG

BARANGAY GAYA-GAYA

BULACAN

BULAG

CALOOCAN CITY

EDWARD ISRAEL

FULGADO

KINILALA

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with