^

Probinsiya

Birthday celebrant dedo sa duwelo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Madugo ang kinahantungan ng masayang pagdaraos ng birthday ng 30-anyos na obrero matapos itong mapatay sa saksak sa duwelo ng kaalitang kapitbahay sa Barangay Burgos, bayan ng Padre Burgos, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Quezon Medical Center ang biktimang si Jose “Okong” Santiago habang pinaghahanap naman ang suspek na si Leogard Fajardong.

Sa ulat ng pulisya, lu­mitaw na nakipag-inuman sa mga kaibigan ang biktima kaugnay ng kanyang kaarawan nang maubusan ng inuming alak. Gayon pa man, nagprisinta ang biktimang bumili sa tindahan na may ilang metro ang layo sa kanyang bahay.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay nag-aabang na sa tindahan ang suspek kung saan agad itong hinamon ng duwelo.

Dahil nakainom na ang biktima ay hindi ito umub­ra sa tikas ng suspek kaya napatay sa saksak.

vuukle comment

BARANGAY BURGOS

DAHIL

GAYON

LEOGARD FAJARDONG

LINGID

MADUGO

OKONG

PADRE BURGOS

QUEZON MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with