^

Probinsiya

Misis lubog sa utang, nagbigti

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang lubog sa pagkakautang at hindi mabayaran ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 45-anyos na ginang matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Virgen Delos Flores, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Marcelo Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Sioneta Garcia ng Gil Carlos ng nasa­bing barangay.

Sa imbestigasyon nina PO3 Maurice Cruz at PO3 Jesrael Yahweh Giron, bago maganap pang insidente ay naiwang mag-isa ang biktima sa kanyang bahay matapos magpaalam ang kanyang mag-ama na may pupuntahan.

Nang muling bumalik ang mag-ama sa bahay ay dito na natagpuang nakabitin ang biktima na gumamit ng nylon cord para magbigti.

Nabatid sa ulat na naging malulungkutin ang biktima dahil sa hindi mabayarang pagkakautang na malaking halaga na pinaniniwalaang naging sanhi para mag-suicide ito habang tumanggi naman ang mga kaanak nito na isailalim sa awtopsiya ang misis.

vuukle comment

BALIWAG

BARANGAY VIRGEN DELOS FLORES

BULACAN

GIL CARLOS

JESRAEL YAHWEH GIRON

MARCELO HOSPITAL

MAURICE CRUZ

NABATID

SIONETA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with