^

Probinsiya

Kinidnap na bisor, laya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga kidnaper ang school supervisor matapos ang 7-buwang pagkakabihag sa lalawigan ng Zamboanga del Sur kamakalawa bago maghatinggabi. Sa ulat ng Police Regional Office 9, kinilala ang pinalayang bihag na si Rudy Luna, bisor sa Kumalarang Central Elementary School. Bandang alas-11:51 ng gabi nang palayain si Luna sa bahagi ng fish port sa Tukuran kung saan naglakad ito  patungo sa bahay ng kapatid na si PO2 Jun Luna. Sa tala ng pulisya, si Luna at misis nitong si Tessie  na isa ring school supervisor  ay lulan ng SUV nang dukutin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Diplo noong gabi ng Enero 27. Nagawang makatakas ang misis ni Rudy habang isasakay sa pumpboat pero binihag ang nasabing mister. Pinaniniwalaang nagbayad ng P.5 milyong ransom ang pamilya ng biktima.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY DIPLO

ENERO

JUN LUNA

KUMALARANG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

NAGAWANG

PINALAYA

PINANINIWALAANG

POLICE REGIONAL OFFICE

RUDY LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with