^

Probinsiya

High school principal, itinumba

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Pinabulagta ang beteranong high school principal matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa labas ng gate ng paaralan sa Barangay Kagawasan, Pagadian City sa Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Glenn Dulawan, hepe ng Pagadian City PNP na nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktimang si Dindo Barsi nang lapitan at barilin sa ulo habang papasok sa gate ng Pagadian City National High School sa Purok Gumamela bandang alas-8 ng umaga.

Naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay matapos mapuruhan sa ulo.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa principal kung saan sinisilip ang anggulong may kaugnayan sa trabaho o sa pamilya.

Lumalabas din sa im­bestigayson ng pulisya na hired killer ang bumaril sa biktima at maaaring may nagbayad lamang sa mga ito para gawin ang krimen.

vuukle comment

BARANGAY KAGAWASAN

CHIEF INSP

DINDO BARSI

GLENN DULAWAN

LUMALABAS

NAISUGOD

PAGADIAN CITY

PAGADIAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

PUROK GUMAMELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with