^

Probinsiya

Kotse vs 2 traysikel: 4 utas, 3 sugatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Apat-katao ang kumpirmadong namatay habang tatlo naman ang sugatan matapos araruhin ng kotse ang dalawang traysikel na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay San Agustin sa bayan ng Ibaan, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ramses De Castro, hepe ng Ibaan PNP ang mga namatay na sina Ferdinand Uy, Glenn Miñas, Bernie Supnit, at si Niña Gariando.

Ayon sa ulat, sina Uy, Miñas at Gariando ay mga sakay ng Honda Civic (WHJ-577) habang sakay naman si Supnit ng isang traysikel.

Sugatan naman sina Lovely May Castillo,15; Dian­ne Bolima,16; at si Jomar Sanchez, 21, na sakay din ng kotse at mga nakatira sa bayan ng Rosario, Batangas.

Base sa police report, binabagtas ng Honda Civic na minamaneho ni Uy ang kahabaan ng highway sa nabanggit na barangay nang mag-overtake ito sa motorsiklo.

Gayon pa man, nawalan ng kontrol ang driver ng kotse hanggang sa sumalpok sa dalawang traysikel na nakaparada bandang alas-8:20 ng umaga.

Isinugod ang mga biktima sa Queen Mary Hospital sa nasabing bayan subalit apat ang namatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY SAN AGUSTIN

BATANGAS

BERNIE SUPNIT

FERDINAND UY

GARIANDO

GLENN MI

HONDA CIVIC

IBAAN

JOMAR SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with