^

Probinsiya

Hepe ng barangay tanod, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 46-anyos na hepe ng barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng kanyang nakaalitan sa harap ng barangay hall sa Barangay Tugatog, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod sa Meycauayan City Medical Hospital ang biktimang si Edmund Abilo Sr. subalit namatay din habang pinaghahanap naman ang suspek na si Octavio Pilongo ng Meycauayan City Task Force. Sa imbestigasyon ni PO3 Allan Lampano, senglot ang suspek na nagtungo sa barangay hall kung saan hinahanap nito ang biktima. Nagkataon namang lumabas sa barangay hall ang biktima kung saan ito niratrat ng suspek. Napag-alamang nakaalitan ng biktima ang isa sa kaanak ng suspek may tatlong araw na ang nakalipas bago maganap ang pamamaslang.

vuukle comment

ALLAN LAMPANO

BARANGAY TUGATOG

BULACAN

EDMUND ABILO SR.

MEYCAUAYAN CITY

MEYCAUAYAN CITY MEDICAL HOSPITAL

MEYCAUAYAN CITY TASK FORCE

NAGKATAON

NAISUGOD

OCTAVIO PILONGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with