^

Probinsiya

Trike vs van: 4 bumulagta

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Apat-katao kabilang ang dalawang menor-de-edad ang namatay makaraang suwagin ng delivery van ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Urayong, bayan ng Caba, La Union noong Miyerkules ng gabi

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Benlor Tungpalan, drayber ng trike;  Joy Tungpalan, 12; mag-amang Nelvin Basco, at Harold Basco, Harold 12, pawang nakatira sa Barangay Talugtog sa bayan ng San Juan, La Union.

Nabatid na kagagaling lamang ng mga biktima sa lamay ng isa nilang kaanak  sa bayan ng Pugo at papauwi na sakay ng traysikel nang makasalubong si kamatayan.

Base sa police report, nawalan ng kontrol sa manibela si Benlor matapos na su­mabog ang gulong ng trike sa unahan kaya tuluy-tuloy itong nasalpok ng delivery van (REX640) ni Noel de Leon ng bayan ng Rosales, Pangasinan.

Namatay ang mga biktima habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng van.


 

vuukle comment

BARANGAY TALUGTOG

BARANGAY URAYONG

BENLOR TUNGPALAN

HAROLD BASCO

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

JOY TUNGPALAN

LA UNION

NELVIN BASCO

SAN FERNANDO CITY

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with