^

Probinsiya

2 bata nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang bata matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Zamboanga Sibugay kamakalawa. Kinilala ang mga nalunod na sina Czarina Marie Opsima at Antonette Casimina, kapwa 10-anyos at estudyante ng Tungawan Elementary School. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Ariel Huesa, naganap ang insidente sa ilog malapit sa bahay ng mga biktima sa Barangay Upper ng nasabing bayan dakong alas-12 ng tanghali. Magkasamang naligo sa ilog ang dalawang bata nang napagawi sa malalim na bahagi si Czarina Marie kung saan tinangka itong saklolohan ni Antonette pero nalunod din ito nang tangayin ng malakas na agos. Lumutang naman ang bangkay ng mga biktima ilang oras matapos malunod kung saan narekober ng search and rescue team.

 

 

vuukle comment

ANTONETTE

ANTONETTE CASIMINA

ARIEL HUESA

BARANGAY UPPER

CHIEF INSP

CZARINA MARIE

CZARINA MARIE OPSIMA

KINILALA

LUMUTANG

MAAGANG

TUNGAWAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with