^

Probinsiya

Chairman ng MNLF, 2 pa sugatan sa road mishap, aide patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatang isinugod sa pagamutan si dating Cota­bato City Mayor Muslimin Sema, Chairman ng isa sa mga paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at dalawang iba pa habang patay naman ang isa sa mga aide nito matapos na mabangga ng trailer truck ang sinasakyan nilang van sa national highway ng Datu Anggal Midtimbang, Maguin­danao nitong Biyernes.

Ayon kay Sr. Supt. Rodelio Jocson, Provincial Director ng Maguindanao Police, nasa maayos ng kalagayan si Sema na nasugatan sa ulo sa banggaan. Si Sema ay Chairman ng Executive Council of 15 ng isang paksyon ng MNLF na lumagda sa peace agreement sa pamahalaan noong 1996.

Sinabi ng opisyal na si Sema ay inilipat na ng paga­mutan ng kapatid nitong si Romeo Sema, Secretary General ng MNLF Central Committee sa isang paga­mutan sa Davao City.

Gayunman, sinabi ni Jocson na minalas na masawi sa insidente ang isa sa mga security escort ni Sema na kinilalang si Bandon Ampatuan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawa pa sa mga sugatang aide ng opisyal na sina Nords Dimasangkay at Samad Tasil.

Sa imbestigasyon, pasado alas-11 ng tanghali kasalukuyang lulan si Sema ng van nito na bumabagtas sa pakurbadang bahagi ng national highway galing General Santos­ City patungo sa lungsod ng Cotabato ng mangyari ang insidente sa nasabing bayan nang mabangga ang mga ito ng kasalubong na humahagibis na trailer truck.Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BANDON AMPATUAN

CENTRAL COMMITTEE

CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA

DATU ANGGAL MIDTIMBANG

DAVAO CITY

EXECUTIVE COUNCIL

GENERAL SANTOS

MAGUINDANAO POLICE

SEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with