^

Probinsiya

3 magkakapatid patay sa sunog

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tatlong magkakapatid ang iniulat na namatay matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Polipol, bayan ng San Gabriel, La Union, kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Mae Joy Gacayan, 7; Sheena Grace Gacayan, 5; at si Meynard Carl Gacayan, 3, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Tanging ang 10-anyos na matandang kapatid na si John Mark ang nakaligtas kay kamatayan matapos na makatakbo palabas mula sa nasusunog nilang bahay.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Gerardo Soriano, hepe ng San Gabriel PNP, nasa kabayanan pa ang mga magulang ng magkakapatid ng maganap ang sunog na pinaniniwalaang nagmula sa natumbang lampara.


Nabatid na hindi pa nararating ng serbisyo ng kuryente ang nasabing lugar kung saan karamihan sa pamilya dito ay nagtitiis sa lampara pagsapit ng dilim.

vuukle comment

BARANGAY POLIPOL

GERARDO SORIANO

JOHN MARK

LA UNION

MAE JOY GACAYAN

MEYNARD CARL GACAYAN

NABATID

SAN GABRIEL

SENIOR INSP

SHEENA GRACE GACAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with