^

Probinsiya

Shootout: Bomber, pulis dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang tinukoy na bomb expert habang patay din ang isang pulis at sugatan naman ang isa pa nang hagisan ng granada sa pagsisilbi ng warrant of arrest na nauwi sa shootout sa Barangay Madidis, bayan ng Datu Paglas, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Wilben Mayor, spokesman ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima ang napaslang na bomber  na si Usop Kusain, alyas Roland/Commander TMX.

Sugatan naman ang dalawang miyembro ng PNP-SAF na sina PO3 Michael Cuyahon at PO1 Louie Acosta.

Si Cuyahon ay idi­neklarang nasa maayos ng kondisyon sa Sandig Medical Clinic sa Tacurong City habang si Acosta ay namatay sa North Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.

Nabatid na isisilbi sana ng pinagsanib na puwersa ng Special Action Force (SAF) at ng Maguindanao PNP provincial office ang warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder laban kay Kusain nang manlaban ito.

Naghagis pa ng granada at nagpaputok ng baril si Kusain na humantong sa shootout kung saan napatay ito.

Si Kusain ay kasamahan ng isa pang bomber na si Salahuddin Hassan na sangkot sa pambobom­ba sa Philbest sa Ge­neral Santos City noong 2007 kung saan aabot sa anim-katao ang namatay habang marami pa ang nasugatan.

vuukle comment

BARANGAY MADIDIS

CHIEF P

DATU PAGLAS

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

KIDAPAWAN CITY

KUSAIN

LOUIE ACOSTA

MAGUINDANAO

MICHAEL CUYAHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with