^

Probinsiya

2 guro ni-rape, 3 pa minolestiya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang guro ang umano’y ginahasa ng mga armadong kalalakihan habang isa pang guro at dalawa nilang estudyante ang minolestiya sa loob ng isang bahay sa Kabuyao, Apayao.

Sa ulat ng pulisya, sinasabing ang dalawang  mag-aaral na hindi pinangalanan ay bumisita lamang sa inuupahang bahay ng kanilang guro sa Sitio Taracay, Lenneng, ng nasabing bayan at nang papauwi at palabas na ng pintuan nang tumambad   ang mga armadong lalaki.

Dahil dito, napilitang pumasok muli ang dalawang estudyante sa loob ng bahay dahil sa matinding takot.

Mabilis namang tumungo sa pintuan ang isa sa tatlong guro upang isara ito subalit mabilis na nakapasok ang mga suspek at tinutukan sila ng mga baril.

Nagawang gahasain ng mga suspek ang dalawang guro habang hinipuan sa maselang bahagi ng katawan at minolestiya rin umano ang isa pang guro at dalawang mag-aaral. Isang suspek na nakilalang si Wilner Tuvera ang napilitang sumuko sa mga nagrespondeng pulis sa lugar matapos na aksidenteng maiputok nito ang kanyang dalang baril at tinamaan ang kanyang ilong.

 

vuukle comment

APAYAO

DAHIL

DALAWANG

GURO

ISANG

KABUYAO

LENNENG

MABILIS

SITIO TARACAY

WILNER TUVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with