Van vs trike: Nene patay, 2 grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Patay ang 10-anyos na nene habang kritikal naman ang kaklase nito at ang traysikel driver matapos salpukin ang kanilang sasakyan ng pampasaherong van sa kahabaan ng  highway sa Barangay Pangal Norte, bayan ng Echague, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echague PNP, ang namatay na si Aira Shane Guzman habang nasa malubhang kalagayan ang kaklase nitong si Rochelle De Vera at trike driver na si Rustico Doroni. Nawalan ng kontrol sa manibela ng van driver na si Dominador Jose kaya tumawid ito ang kabilang kalsada at salpukin ang mga biktimang  bumababa sa traysikel. Sinasabing nakaidlip sa pagmamaneho ni Jose dahil sa puyat sa biyahe mula sa Maynila kaya naganap ang sakuna.

Show comments