^

Probinsiya

Mekaniko sumalpok sa tractor, dedo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Bulagta at hindi na nakaabot ng bagong taon ang 28-anyos na mekaniko matapos nitong tumbukin ang sinusundang trailer tractor dahil sa wala itong ilaw at reflector na naglalakbay sa kahabaan ng highway sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP ang biktima na si Eric Gradonozo ng Barangay Mataas-na-Kahoy. Lumalabas sa imbestigasyon, tinatahak ng biktima ang highway nang hindi napansin ang sinusundang trak ni Vicente Berlan, 39, ng Brgy. Salinungan West, bayan ng San Mateo. Sa lakas ng pagkakabanga ay tumilapon ng ilang metro ang biktima kung saan hindi na umabot ng buhay sa pribadong pagamutan sa Santiago City. Inaresto naman ng pulisya ang operator ng tractor na kuliglig na bukod sa kasong homicide through reckless imprudence ay lumabag ito sa ordinansang naglalayong lagyan ng ilaw o reflector ang mga trailer tractor.

 

vuukle comment

ALICIA

BARANGAY MATAAS

BARANGAY VICTORIA

CHIEF INSP

EDILMAR ALVIAR

ERIC GRADONOZO

SALINUNGAN WEST

SAN MATEO

SANTIAGO CITY

VICENTE BERLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with