^

Probinsiya

Misis inutas ng selosong mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang matapos na pagsasaksakin ng mister nito dahilan sa matinding selos matapos ang mainitang pagtatalo sa Taal, Batangas kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Melanie Pareña, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Mahabang Lod-lod, Taal, Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police, patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Jimmie Pareña na mabilis na tumakas matapos mapatay ang asawa.

Base sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-asawa dakong alas-3:40 ng madaling-araw.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa narinig pa nilang nagsisigawan ang mag-asawa pero dahilan personal na problema ang isyu ay minabuti na nilang huwag makialam.

Kinaumagahan, isa sa kapitbahay ng mag-asawa ang sumilip sa bintana at dito na nadiskubre ang duguang bangkay ng ginang habang hindi naman matagpuan ang mister nito.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BATANGAS POLICE

BRGY

JIMMIE PARE

KINAUMAGAHAN

MAHABANG LOD

MELANIE PARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with