^

Probinsiya

Tserman nilikida ng tandem sa sabungan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€” Hindi na maipagpapatuloy ng nanalong barangay chairman ang kanyang katungkulan matapos na paslangin  habang lumalabas sa bisinidad ng isang sabu­ngan sa Brgy. San Pedro, Bustos, lalawigang ito kahapon.

Tatlong tama ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kaagad na ikinasawi ng biktimang si Romeo Taruc, 63, residente at kasalukuyang chairman ng Brgy. Hinukay sa bayan ng Baliwag.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Merrick Vincent Santos, dakong alas-04:30 ng hapon ay lumabas ang biktima sa bisinidad ng Bustos cockpit coliseum na nasa kahabaan ng Gen. Alejo Santos Highway, Brgy. San Pedro  at saka lumapit sa pag-aaring Mitsubishi Adventure SUV (RJL-649) upang umuwi.

Habang binubuksan ng chairman ang pintuan ng sasakyan ay biglang lumapit sa kanyang likuran ang isang lalaki at walang sabi-sabing pinaputukan ng tatlong beses ang ulo at katawan nito mula sa isang .45 kalibre ng baril. Nang bumulagta ang biktima, agad siyang tumakas kasama ang isang lalaking lookout sakay ng motorsiklo  patungo sa direksyon  ng Baliwag.

 

vuukle comment

ALEJO SANTOS HIGHWAY

BALIWAG

BRGY

HABANG

MERRICK VINCENT SANTOS

MITSUBISHI ADVENTURE

ROMEO TARUC

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with