^

Probinsiya

2 karnaper huli sa entrapment

Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines --- Arestado ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na karnaper matapos na tangkain ng mga ito na ipatubos ang isang motorsiklo na una ng kinarnap sa isang lugar sa Brgy. Poblacion, Sta.Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng mga suspek na sina Joey Boy Colangoy, 29 ng Brgy. San Vicente, Sta.Maria at Gener Santos 34, driver ng Brgy. Caingin sa bayan ng Bocaue. Sa report ni Supt. Lailene Amparo dakong alas-8 ng gabi ay nagyayang kumain sa isang fast food chain sa Brgy. Poblacion, Sta.Maria ang suspek na si Cola­ngoy kasama ang biktimang si Adrian Marquez 32 ng Brgy. Mag-asawang Sapa sa ba­yan ding ito saka pansamantalang iniwan ang pag-aaring motorsiklo na Suzuki Raider ( 9879-HW ) .

Nang matapos kumain ay agad na hinanap ng biktima ang kanyang sasakyan ngunit hindi na ito nakita at dito na dumiskarte si Colangoy na kunwaring tatawagan sa celphone ang isa pang suspek na si Santos na nagsabing mababawi ang moto­rsiklo kung babayaran sila ng P20,000. Nakipag-ugnayan naman ang mga biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.

vuukle comment

ADRIAN MARQUEZ

ARESTADO

BOCAUE

BRGY

GENER SANTOS

JOEY BOY COLANGOY

LAILENE AMPARO

SAN VICENTE

SUZUKI RAIDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with