^

Probinsiya

Trader dedo sa holdaper

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   â€” Napaslang ang 31-anyos na  negosyante matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa pampublikong palengke sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Joefrey Todeño, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Limbas Maguindiga ng Sitio Lamak, Barangay Poblacion. Sa police report, magsasara na ng tindahan ang biktima sa pamilihang bayan nang lapitan ng dalawang di-kilalang lalaki kung saan hinablot ang bag nito na naglalaman ng koleksyon na aabot sa P10,000 at dalawang cell phones. Gayon pa man, nanlaban si Maguindiga kaya napilitang barilin ng isa saka tumakas sakay ng motorsiklo. Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang negosyante sa dibdib kung saan idineklarang patay sa Cruzado Hospital.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

CRUZADO HOSPITAL

GAYON

JOEFREY TODE

KINILALA

LIMBAS MAGUINDIGA

NORTH COTABATO

PIKIT

SITIO LAMAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with