^

Probinsiya

Misis pinugutan ng boardmate

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na misis matapos itong tagain at pugutan ng kanyang boardmate na senglot sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mahabang hiwa sa pisngi at halos mapugutan ang biktimang si Genalyn Gatila na pansamantalang nakatira sa Town and Country Executive Village sa nasabing lugar. Pinaghahanap naman ang suspek na si Benedicto Ma­nalastas, 59, tubong Barangay Paliwasan, San Miguel, Bulacan.  Ayon kay PO2 Jeneben Cating, senglot na duma­ting sa bahay ang suspek nang pagtatagain ang biktimang nakaupo sa sala.  Napag-alamang bago maganap ang krimen ay kinompronta ng biktima ang suspek dahil sa hindi naglilinis ng mga kalat na basura at dumi sa loob ng bahay.

vuukle comment

ABANGAN NORTE

AYON

BARANGAY PALIWASAN

BENEDICTO MA

BULACAN

GENALYN GATILA

JENEBEN CATING

SAN MIGUEL

TOWN AND COUNTRY EXECUTIVE VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with