^

Probinsiya

Operasyon ng Roro bus, sinuspinde ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng may 643 units ng mga Roro bus na may ruta sa Visayas at Mindanao.

 Ayon sa  LTFRB minabuti ng ahensiya na itigil pansamantala ang operasyon ng Roro bus upang makaiwas sa epekto ng super typhoon Yolanda sa karagatan.

 Ang mga Roro bus ay isinasakay sa Roro boats papunta sa ibat ibang destinasyon sa bansa. Ang Roro boats ang pinakamurang sasakyang pandagat  na may mga sakay na pasahero papunta sa iba’t ibang panig ng bansa.

 Bunga anya ng  malalaking alon at malakas na hangin na dala ni Yolanda ay hindi muna pinapayagan na makapunta sa kani-kanilang destinasyon ang mga Roro bus

 Sinabi ni Corpuz na oras na lumabas na sa bansa si Yolanda at kumalma na ang karagatan ay balik ulit sa normal na operasyon ang mga Roro bus.

vuukle comment

ANG RORO

AYON

BUNGA

CORPUZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MINDANAO

RORO

SINABI

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with