^

Probinsiya

Pulis tinodas si misis saka nag-suicide

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Nagpakamatay ang bagitong pulis matapos nitong barilin at mapatay ang sariling asawa sa loob ng kanilang apartment sa Barangay Antipolo, Lipa City, Batangas kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Inspector Dwight Fonte, Batangas Public Information Officer ang nag-suicide na pulis na si PO1 Ronniezon Lasin ng Batangas PNP Public Safety Command.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nauwi sa mainitang komprontasyon ang pagtatalo ng mag-asawa nang barilin nang pulis ang kanyang asawa na si Rodelyn bandang alauna ng hapon.

Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas, itinutok naman ni PO1 Lasin ang baril sa sarili kaya nakasalubong si kamatayan.

Sa pahayag ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, posibleng matinding selos ang isa sa motibo ni PO1 Lasin  habang inaalam ng mga imbestigador ng pulisya ang iba pang ugat ng pagtatalo ng mag-asawa na nauwi sa masaklap na trahedya.

vuukle comment

BARANGAY ANTIPOLO

BATANGAS

BATANGAS PUBLIC INFORMATION OFFICER

GAYON

JACINTO MALINAO

LASIN

LIPA CITY

PUBLIC SAFETY COMMAND

RONNIEZON LASIN

SENIOR INSPECTOR DWIGHT FONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with