^

Probinsiya

2 negosyanteng Bumbay nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na pinatay ng mga di-kilalang lalaki ang dalawang negosyanteng Bumbay sa dalampasigan ng bayan ng Oton, Iloilo kahapon ng madaling-araw

Kinilala ni Iloilo PNP Director P/Senior Supt. Gil Blando Lebin Jr. ang mga biktima na sina Kutwant Singh at Charnjet Kaur na kapwa may lending business na naninirahan sa bansa sa loob ng 8-taon.

Ang dalawa ay iniulat na nawawala simula pa noong Linggo (Setyembre 22) bago natagpuang patay sa nasabing lugar.

Ayon sa opisyal, ang dalawang biktima ay kapwa may malalalim na sugat sa ulo na palatandaang pinukpok habang nakapulupot naman ng masking tape ang kamay, paa at bibig ng mga ito.

Base sa imbestigasyon, bandang alauna ng mada­ling-araw ng matagpuan ng mangingisdang si Edgar Habiano ang bangkay ng dalawa sa coastal area ng Poblacion East.

Nabatid na ang dalawang biktima ay may pag-aaring lupa sa mga bayan ng Dulunan at Arevalo sa Iloilo.

Sa pahayag ng ilang kaibigan, simula noong umaga ng Linggo matapos na umalis ang magkaibigang negosyante mula sa kanilang bahay ay hindi na nakabalik.

vuukle comment

CHARNJET KAUR

DIRECTOR P

EDGAR HABIANO

GIL BLANDO LEBIN JR.

ILOILO

KUTWANT SINGH

LINGGO

POBLACION EAST

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with