^

Probinsiya

Misis ng chairman utas sa granada

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang misis ng barangay chairman habang tatlong naman ang nasugatan matapos masabugan ng granada na inihagis ng mga di-kilalang lalaki sa bahay ng barangay opisyal sa Lamitan City, Basilan noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ni P/Senior  Supt. Mario Dapilloza, Basilan PNP director ang namatay na si Sapiya Mansul, misis ni Barangay Chairman Gais Mansul sa bayan ng Mohamad Ajul, Basilan. Samantala, sugatang naisugod sa ospital sina Sonia de los Santos, Reynaldo de los Santos at si Chairman Mansul. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, natutulog ang mag-asawang Mansul sa kanilang bahay sa Barangay Matibay nang hagisan ng granada ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Nasapul sa pagsabog ng granada ang biktima na natutulog malapit sa pintuan ng kanilang bahay.

 

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN GAIS MANSUL

BARANGAY MATIBAY

BASILAN

CAMP CRAME

CHAIRMAN MANSUL

KINILALA

LAMITAN CITY

MANSUL

MARIO DAPILLOZA

MOHAMAD AJUL

SAPIYA MANSUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with