^

Probinsiya

3 ‘tulak’ itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa droga matapos ratratin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang tatlong pinaghihinalaang notoryus na tulak ng shabu sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Reynaldo Martinez, 47-anyos; Mamerto Penuliar Jr., 49; pawang taga- bayan ng Sta. Barbara at ang tricycle driver na si Napoleon Paraan, 45-anyos.

Ang bangkay ng mga biktima ay narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya na pawang tadtad ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan sa  nasabing tricycle na nakahambalang sa highway sa lugar.

Sa ulat ni Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police, ang mga biktima ay lulan ng tricycle bandang alas-9 ng gabi nang harangin ang mga ito ng mga armadong salarin sa Sitio Silungan, Brgy. Bonuan Binloc ng lungsod na ito.

Narekober din sa katawan ng mga napaslang na biktima ang ilang sachet ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Inihayag pa ng opisyal na pinaniniwalaang may kilaman sa illegal na bentahan ng droga ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

 

vuukle comment

BONUAN BINLOC

BRGY

CHRISTOPHER ABRAHANO

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY POLICE

MAMERTO PENULIAR JR.

NAPOLEON PARAAN

REYNALDO MARTINEZ

SITIO SILUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with