^

Probinsiya

Ama nag-suicide matapos mapatay ang anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-suicide ang 35-anyos na ama matapos na mabaril at mapatay ang sariling anak na dalagita sa Purok 3, Barangay Datagan sa bayan ng Bayog, Zambonga del Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9 ang dalagita na si Michael Bulatoc, 15, habang nagbaril naman sa sarili si Jerry Bulatoc, 35, magsasaka, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Bandang  alas-3:30 ng hapon habang nililinis ng suspek ang kaniyang homemade shotgun nang nakalabit nito ang gatilyo at pumutok.

Nagkataon namang nasa sala ang kanyang anak na dalagita kaya nasapol sa ulo kung saan duguang bumulagta.

Nang makita ng suspek na bumulagta ang anak ay halos natulala ito sa matinding pagkabigla sa hindi sinasadyang pagkakapatay sa anak.

Ilang saglit pa ay iti­nutok naman ng ama sa kaniyang baba ang shotgun saka ipinutok kung saan sinasabing nagkalat pa sa sahig ng bahay ang ilang bahagi ng utak.

Narekober naman sa crime scene ang 12 gauge shotgun at basyo ng bala.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

BANDANG

BARANGAY DATAGAN

BAYOG

CHIEF INSP

ILANG

JERRY BULATOC

KINILALA

MICHAEL BULATOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with