^

Probinsiya

Ambush: 2 supporters ni Mayor Strike tumba

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Dalawang suporter ni Bacoor City Ma­yor Strike Revilla ang iniulat na napaslang habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Queensrow West, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alexander Rafael, Ca­vite PNP director, ang mga napaslang na sina Ro­berto “Bobby” Palabrica, 58; at Reynaldo Primoso, 46, kawani sa Bacoor City Hall at kapwa suporter nina Bacoor City Mayor Strike Revilla at mag-asawang Rep. Lani Mercado at Senador Bong Revilla Jr.

Naisugod naman sa St. Dominic Hospital ang sugatang si Chairwoman Catherine Palabrica, 44, ng  nabanggit na barangay.

Nabatid na papauwi na ang mga biktimang lulan ng sports utility vehicle (SUV) mula sa campaign rally nang harangin at ratratin ng dalawang riding-in-tandem pagsapit sa nasabing lugar kung saan may ilang metro lamang ang layo sa simbahan.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa politika at ang sinasabing kampanya laban sa bawal na droga.

vuukle comment

ALEXANDER RAFAEL

BACOOR CITY

BACOOR CITY HALL

BACOOR CITY MA

BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA

BARANGAY QUEENSROW WEST

CHAIRWOMAN CATHERINE PALABRICA

LANI MERCADO

REYNALDO PRIMOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with