^

Probinsiya

3 magsasaka pisak

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines  â€“ Bumulagta ang tatlong magsasaka makaraang bumangga ang kanilang traysikel sa kasalubong na mini truck sa Barangay Ganduz, bayan ng Pantangan, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jun Collado, 41; Jesus Valin, 42, kapwa nakatira sa Barangay Sampaloc; at si Joel Gabriel ng Barangay Ganduz. Sugatan naman si Jun Jun Cariaso, 29, ng Barangay Sampaloc.

Sumuko naman ang drayber ng trak (NHE-585) na si Rommel Valdez, 33, ng Barangay Del Pilar, Rizal, Nueva Ecija. Nabatid na napansin ni Valdez na mabilis ang takbo ng traysikel ng mga biktima kaya inihinto nito ang minamanehong trak sa gilid ng kalsada subalit sinalpok pa rin.

Nabatid na nakipag-inu­man ang mga biktima sa bayan ng Rizal kung saan sinasabing pawang mga lango sa alak ng makasalubong si kamatayan.

vuukle comment

BARANGAY DEL PILAR

BARANGAY GANDUZ

BARANGAY SAMPALOC

JESUS VALIN

JOEL GABRIEL

JUN COLLADO

JUN JUN CARIASO

NABATID

NUEVA ECIJA

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with