^

Probinsiya

Kuya todas kay bunso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napatay ang 54-anyos na kuya na sinasabing tinangkang saktan ang kanyang ina matapos saksakin ng nakababatang kapatid sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Babanuang sa bayan ng San Manuel, Isabela kamakalawa.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nanonood ng telebisyon ang nakababatang utol na si Edgar Castillo, kasama ang kanilang 75-anyos na ina, at iba pang kaanak nang dumating ang biktimang si Carlito Castillo na lango sa alak.


Nagwala ang biktima matapos hindi siya pinansin ng mga kaanak na abala sa panonood ng telebisyon kaya kumuha ito ng patalim at tinangkaang saksakin ang sariling ina.


Nagdilim naman ang paningin ng suspek sa inasal ng kanyang kuya kaya inagaw ang kutsilyo saka pinagsasaksak hanggang mapatay ang kanyang utol.

vuukle comment

BARANGAY BABANUANG

CARLITO CASTILLO

EDGAR CASTILLO

ISABELA

LUMALABAS

NAGDILIM

NAGWALA

NAPATAY

SAN MANUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with