^

Probinsiya

P64-M pondo para sa mga barangay

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines – Naglaan ng P64-milyong tulong-pinansyal ang pamahalaan ng Zambales para sa 230 barangay upang higit na makapagbigay ng serbisyong publiko ang mga barangay councilmen.

Ito ang pahayag ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. kasabay sa kanyang ikatlong State of the Province Address (SOPA) sa pagbubukas ng sesyon ng Zambales provincial board.

 â€œMagkakaroon ng P200,000 cash ang bawat barangay sa Zambales sa ilalim ng aid to barangay program, bukod pa sa mga sasakyang binili para sa mga barangay federations sa 13 bayan ng Zambales” dagdag pa ni Ebdane.

Pinasalamatan naman ng mga opisyal ng barangay ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Palauig ABC president Paquito Mojica na siyang tumanggap ng sasakyan mula kay Gov. Ebdane.

Gagamitin naman ng Barangay Del Pilar sa bayan ng Castillejos ang P.2 milyong pondo para makabili ng computer set, pagsasaayos ng barangay plaza at senior citizens building, ayon kay Chairman Jesus Quimen, pangulo ng  Castillejos Barangay Federation.

Sa kanyang SOPA, ipinangako ni Ebdane na magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa ilalim ng Blueprint 2020, ang comprehensive provincial development plan na ginawa ng kanyang administrasyon.

Nagpasalamat din si Ebdane sa tulong at suporta ng mga Zambaleño sa kanyang mga programa.

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY DEL PILAR

CASTILLEJOS BARANGAY FEDERATION

CHAIRMAN JESUS QUIMEN

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

PAQUITO MOJICA

STATE OF THE PROVINCE ADDRESS

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with