^

Probinsiya

Kolehiyala hinalay ng akyat-bahay

Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines  â€“ Labis na nag­hihinagpis ang 20-anyos na kolehiyala matapos halayin ng isa sa tatlong Akyat-Bahay Gang na nanloob sa kanilang apartment sa bayan ng Cabuyao, Laguna noong Martes ng madaling-araw.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Leonard Luna, hepe ng Cabuyao PNP, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang apartment ng biktimang itinago sa pangalang Judy, mag-aaral sa Malayan College, ng Barangay Pulo, Cabuyao, Laguna.

Matapos makulimbat ng tatlo ang mga cellphone, DVD player, gold bracelet, silver necklace, ATM card at P10,000 cash, nagawa pa umanong balikan ng isa sa tatlo ang kolehiyala saka hinalay sa palikuran habang nakatutok ang baril.

Kabilang din sa mga napagnakawan ng tatlo ay ang mga biktimang sina Krislie San Marquez, 19, tubong Bongabong Oriental Min­doro; Marivic Pablorina, 23; at si Jojie Alo, 22,  pawang on-the-job trainee sa Ionics Company sa Cabuyao.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Richard Republo, 32, ng Celestine Homes, Barangay Marinig, Cabuyao, Laguna matapos makilala sa rouge gallery sa police station.

Nabatid na si Republo ay may kinakaharap na kasong murder at robbery sa Maynila.

Samantala, pinaghaha­nap na ng pulisya ang dalawang kasabwat ni Republo na ang isa ay nakilalang si Joselito Entredicho.

 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY MARINIG

BARANGAY PULO

BONGABONG ORIENTAL MIN

CABUYAO

CELESTINE HOMES

IONICS COMPANY

JOJIE ALO

JOSELITO ENTREDICHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with