^

Probinsiya

Lola kinatay ng apo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

DARAGA , ALBAY, Philippines  â€“ Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 68-anyos na lola matapos na paslangin sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa ulo saka ilibing ng 13-anyos nitong apo sa Brgy. San Rafael ng bayang ito kamakalawa.

Nakilala ang  biktima na si Salvacion Mallapre, biyuda, kapatid ng isang Brgy. Chairman at residente ng naturang lugar.

Samantala ang suspek na apo ng matanda ay kinilalang si Mike 13 ( hindi tunay na pangalan ) na inaresto ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya.

Bandang alas-9 ng gabi nang matagpuan ng mga Brgy. Tanod ang bangkay ng matanda na bahagyang natatabunan ng lupa  na nakalitaw pa ang mga paa sa isang mababaw na hukay sa nasabing lugar.Ang biktima ay halos mabasag ang bungo sanhi ng pagpukpok ng bato ng menor de edad na apo.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagalit ang binatilyo sa kanyang lola matapos nitong akusahang nagnakaw ng mga bunga ng niyog na humantong sa malagim na krimen.

vuukle comment

BANDANG

BRGY

KARUMAL

LUMILITAW

NAKILALA

SALVACION MALLAPRE

SAMANTALA

SAN RAFAEL

TANOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with