^

Probinsiya

Coed grinanada ang sarili

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng 21-anyos na kolehi­yala matapos mag-suicide gamit ang granada sa kakaibang uri ng kaso ng pagpapakamatay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ricky Rebua, chief of police ng T’boli South Cotabato  ang biktima na si Juralidine Ming, criminology student sa Regency Polytechnic College sa bayan ng Marbel.

 Sa salaysay ng kapatid ng biktima sa mga imbestigador ng pulisya, nagtungo ang dalaga sa kanilang bukirin at nakita pa ito ng kanyang bayaw na sinasabing malungkot at tulala.

Ilang saglit pa ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar kung saan ay inakala ng mga kapamilya nito na isang uri lamang ng paputok.

Gayon pa man, nang puntahan at suriin ang pinangga­lingan ng pagsabog ay nagulantang ang mga ito sa nakitang nagkagutay-gutay na katawan ng biktima.

Sinasabing may mabigat na problema ang biktima na tumangging tukuyin ng pamilya nito habang narekober din sa pinangyarihan ng pagsabog ang mga shrapnel ng granada na hawak pa ng biktima

 

vuukle comment

GAYON

ILANG

JURALIDINE MING

KINILALA

MARBEL

NAGKALASUG

REGENCY POLYTECHNIC COLLEGE

RICKY REBUA

SINASABING

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with