3 nahulog sa bangin, utas
Arnell Ozaeta (The Philippine Star) - November 6, 2012 - 12:00am

TAGAYTAY CITY, Cavite, Philippines – Tatlong kalalakihan ang iniulat na nasawi matapos mahulog sa bangin habang nangunguha ng orchids sa lungsod na ito kahapon ng hapon. Kinilala ni P/ Senior Supt. John Bulalacao ang mga nasawing biktima na sina Jaime Dano, Michael Solis, at si Rogelio Lara na pawang nakatira sa Barangay  Iruhin Central sa nasabing  lungsod. Sa police report, lumilitaw na nadulas umano ang tatlo habang nangunguha ng orchids sa gilid ng bundok sa Barangay Iruhin hanggang sa bumulusok sa may 40-metrong lalim na bangin bandang alas-3:20 ng hapon. Nabatid na nakahingi pa ng tulong si Solis pero namatay din ito kasunod ng 2 kaibigan na namatay sa pinangyarihan ng insidente.

BARANGAY IRUHIN CAVITE IRUHIN CENTRAL JAIME DANO JOHN BULALACAO KINILALA MICHAEL SOLIS NABATID ROGELIO LARA SENIOR SUPT TATLONG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with