^

Probinsiya

Kuya inutas ng bunso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines- Pinaniniwalaang alitan sa hatian ng inaning mais, dalawang senglot na magkapatid na magsasaka  ang nagkahamunan ng bakbakan na ikinasawi ng isa sa kanila sa Barangay Dalla sa bayan ng  Baggao, Cagayan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Benito Ramirez, 45, habang ang suspek na si Isagani Ramirez, 44, na barangay tanod ay sumuko naman sa mga opisyal ng barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na magkasama sa inuman ang magkapatid sa idinaos na kasalan sa kanilang lugar nang maungkat ang usapan nila sa hatian sa kanilang inani.  Nabatid sa imbestigasyon na hinambalos ng tabla ng biktima ang kapatid kaya nagdilim ang paningin nito kaya inilabas ang matalim na gulok at tinadtad ng taga ang kuya hanggang sa mapatay.

 

vuukle comment

BAGGAO

BARANGAY

BARANGAY DALLA

BENITO RAMIREZ

ISAGANI RAMIREZ

KINILALA

LUMALABAS

NABATID

PINANINIWALAANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with