2 'sinalvage' sa Cavite

CAVITE, Philippines - Dalawang kalalakihan na sinasabing biktima ng summary execution ang inabandona sa bakanteng lote sa Barangay Bendita 1, Magallanes, Cavite kamakalawa ng hapon. May edad na 20 hanggang 30 ang dalawa at kapwa maiksi ang buhok na nakapantalong maong at t-shirt. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ni Celso Erasmo ang dalawang bangkay na may 50 metro ang layo mula sa highway ng Sitio Gulod. Pinaniniwalaang pinatay sa ibang bayan ang dalawa bago itinapon sa nasabing barangay para iligaw ang mga imbestigador ng pulisya. Cristina Timbang

Show comments